Mister Donut ng bibigay saya sa Valentine’s Day namin

Love in the air…. Flowers and chocolates everywhere…. kissing and hugging people in love……

Buwan ng mga puso at pagmamahalan syempre gusto natin maging espesyal para sa mga partner natin. Madalas iniisip natin kung ano pwede natin ibigay na regalo o pagbigay ng especial na oras sa isa-isa’t. Araw ng mga puso ay madalas dinidiwang ng mga couples. Paano naman kung single? Dahil ba single ka hindi ka na magcelebrate ng araw ng mga puso?

Syempre ng celebrate ako ng Valentine’s ko walang iba kundi sa aking mga anak. Ako ay isang single mom at lahat ng responsibilidad para mapakita at mabigay ang pagmamahal at attention. Dahil sa kunti pera namin bihira ako magpasalubong sa kanila. Pero kahapon ginawa ko advance ang aming celebration ng Valentine’s day dahil ang isang anak ko ay once a month ng weekdays lang namin nakakasama. At dahil ang araw ng mga puso ay weekdays. Hindi namin sya makakasama magcelebrate nito.  Minabuti ko gawin advance Valentine treat ko sa kanila. Sabi nga wala naman sa petsa kung hindi ang importante nakapag salo-salo, sama-sama at nagmamahalan.

 

Mister donut Valentine Gift Set.

Mister donut Valentine Gift Set.

Bumili ako ng tatlong Mister Donut Valentine’s Gift set para sa aking tatlo anak. Syempre kapag meron ang isa dapat lahat meron at pareho-pareho para hindi mag-aaway away. Hay naku parang meron ako triplets na iba iba nga lang ang mga idad. Lahat sila special at pantay pantay ang aking pagmamahal. Lahat ng Valentine’s Gift set nila ay may kasama lobo na hugis puso. Mura na sya dahil may bear at lobo ka na at belgian bites nasa heart tin can sa halaga lang ng P135. At kung ayaw mo ng belgian bites pwede rin sya gawin Heart shaped Brownies kailanggan lang magdagdag ng P18.

  DSC00332

Sinamahan ko na rin ng isang kahon ng bagong flavor ng Mister Donut na Bavarian Doubles na P 130 at ang kanilang DoChi na P8 per piece. Para tuloy tuloy ang saya at magsalo-salo kumain ng Mister Donut.

Gumawa ako ng isang video para makita nyo ano saya ng mga bata nung natanggap nila pasalubong ko. Sa sobrang saya wala masabi  at agad kinain ang Mister Donut Belgian Bites nasa loob Valentine’s Heart tin can ng Valentine Gift set nila. Iba iba ang reaction ng mga bata at masarap makita sa kanila na nagustohan nila ang pasalubong ko sa kanila.

httpv://youtu.be/6aF292ah_BM

Tanong ng anak ko “mama bakit mo kami binigyan  hindi pa naman Valentine’s day pa”. Sagot ko “Dahil wala ka sa Valentine’s Day mabuti celebrate natin ng maaga at magkakasama tayo lahat.” Sabay ngiti at kagat sa Bavarian Doubles naman.

Naramdaman at nakita nila na lahat sila importante sa akin at gaano ko sila ka mahal. Ok lang na wala ako Mister Donut at sila meron makita ko sila masaya kumakain nito eh busog na rin ako. Dahil alam nila wala ako Valentine Gift set hinatian nila ako sa kanilang Belgian Bites at pinagsaluhan namin ang Bavarian Doubles at ang DoChi.

 

Dochi

Dochi

Masarap ang pakiramdam kapag ang mahal mo sa buhay kasama mo at masaya nagsasalo-salo. Kahit single ka pwede ka pa rin magcelebrate ng Valentine Day kasama iyong pamilya, anak at mga kaibigan. Hindi kailanggan mamahalin na regalo o pagkain. Mahalaga masaya ang lahat at magkakasama.

Sana nagustohan nyo ang munting amatuer video ko gamit ko lang kasi cellphone ko at wala ako ibang kagamitan. Gusto ko lang mabahagi sa inyo real time reaction sharing my simple joys with my kids.

 

Ikaw paano mo papakita sa iyong love ones ang tamis ng Valentine’s gamit at Mister Donut Bavarian Doubles at ang kanilang Valentine’s Gift set?Bahagi nyo naman sa akin .

Sana nagustuhan nyo at pwede nyo po like at share sa twitter at facebook. Pwede nyo rin kopyahin at paste ang link ng post ko at ilagay sa Mister Donut Fan page upang malaman nila nagustuhan nyo ang aking post.

Twitter – “@misterdonut_ph be our Valentine’s kasama @snglemomspermom at @highgearfullthr”

Facebook – “@mister donut be our Valentine’s kasama @single mom super mom at @high gear full throttle”

*** Disclaimer***

This is in any way not sponsored / paid post by the product endorsed. This geniune preference of me and my kids. We are not in any way influenced by other people and the company to promote their product. I am not using any prizes or giveaways as an incentive to get votes.

Facebook Comments
Cor

About Cor

I am a single mom of all boys. I love cars, food, traveling and anything in between.

6 thoughts on “Mister Donut ng bibigay saya sa Valentine’s Day namin

  1. haha.. the video is so cute!! first time to hear the dochi.. I wonder how those tastes.. like their Belgian Bites.. 🙂

  2. haha.. the video is so cute!! first time to hear the dochi.. I wonder how those tastes.. like their Belgian Bites.. 🙂

    • singlemomsupermom

      Dochi is a donut with sesame seeds and with filling flavor of mango, chocolate and strawberry. Yes my kids so love the belgian bites. Who could ever can resist chocolates.

  3. Dad

    How I wish I could taste that mister donut and celebrate valentine’s day with the one I love. Wla kasing mr. Donut dito sa uae. Dunkin donut lang.

  4. tin gonzaga

    ymmmmyyy, gustong gusto ng mga bata ah, yey! 🙂

    • singlemomsupermom

      Oo nga gustong gusto nila muntik na nga nila ako hindi bigyan. hehehe!!! alam mo naman kapag meron ang isa dapat meron din ang lahat

Comments are closed.